Ipinalabas ngayong araw ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina na hanggang alas-12 ngayong araw, 69146 na tao ang nasawi sa napakalakas na lindol sa Sichuan na magkapareho sa bilang na ipinalabas kahapon, mahigit 370 libo ang nasugatan at 17516 ang nawawala.
Tinanggap ng buong Tsina ang mahigit 44.5 bilyong yuan RMB na abuloy na pondo at bagay mula sa iba't ibang sirkulo sa loob at labas ng bansa.
Inilaan na ng mga pamahalaan sa iba't ibang antas ang mahigit 23.6 bilyong yuan na pondo sa gawaing panaklolo.
Salin: Ernest
|