Sa "Simposyum ng Pandaigdigang Saklolo ng Armadong Lakas ng ASEAN, Tsina at Timog Korea o 10+3" na idinaos kahapon sa Shi Jiazhuang, lunsod sa hilagang Tsina, iniharap ng kinatawang Tsino ang proposal hinggil sa Standing Operating Procedure o SOP sa pandaigdigang kooperasyong panaklolo at nanawagang pabilisin ang pagbalangkas ng SOP.
Ipinahayag ni kalahok na koronel Chen Shengwu, na may mahalagang katuturan ang pagbalangkas ng SOP sa pagpapalakas ng pandaigdigang kooperasyong panaklolo ng armadong lakas ng 10+3, sa lubos na pagpapatingkad ng papel ng armadong lakas sa saklolong panrehiyon at sa pagpapataas ng kakayahan ng pagharap sa kalamidad na panrehiyon.
Salin: Andrea
|