Ipininid kahapon sa Shi Jiazhuang, lunsod sa hilagang Tsina, ang Simposyum ng Pandaigdigang Saklolo ng Armadong Lakas ng ASEAN, Tsina at Timog Korea o 10+3".
Kaugnay ng mga natamong bunga ng nasabing pulong, inilahad ni Major General Cui Yafeng ng People's Liberation Army o PLA ng Tsina na sang-ayon ang nakararaming kalahok na bansa na makilahok ang mga sandatahang lakas sa pandaigdigang panaklolo sa kalamidad at nanawagan silang itatag ng 10+3 ang kinauukulang mekanismong koordinado at balangkasin ang mga may kinalamang batas at regulasyon sa iba't ibang antas sa lalong madaling panahon.
Salin: Sissi
|