Isinapubliko ngayong araw ang plano ng rekonstruksyon pagkaraan ng napakalakas na lindol sa Wenchuan ng Lalawigang Sichuan ng Tsina at maliwanag na ipinauna ng planong ito ang pagpapanumbalik ng saligang pamumuhay ng mga sinalatang mamamayan at imprastruktura ng serbisyong pampubliko.
Itinakda ng naturang plano na sa panahon ng rekonstruksyon, dapat ipauna ang paglutas ng mga isyu hinggil sa mga saligang serbisyong pampubliko at imprastrukturang may kinalaman sa paninirahan, edukasyon, kalusugan ng mga apektadong mamamayan, pagpapapabilis ng pagpapanumbalik ng produksyon at hanap-buhay at kita ng mga apektadong mamamayan.
Salin: Ernest
|