Ayon sa resulta ng pagtasa sa mga lugar na dinaanan ng tubig mula sa Tangjiashan quake lake na isinapubliko ngayong araw ng Ministring Pangkalusugan ng Tsina, hanggang alas-12 kamakalawa, walang natuklasang aksidente ng polusyon sa naturang mga lugar at normal ang resulta ng pagsuri sa mga pagkain at tubig-inumin sa lokalidad.
Sinabi ng ministring ito na pagkaraan ng matagumpay na paghawan ng daluyang-tubig sa Tangjiashan quake lake, pinalakas ng mga departamentong pangkalusugan ang pagmomonitor sa kalidad ng tubig sa mga lugar na dinaanan ng tubig mula sa lawang ito.
Salin: Ernest
|