Napagpasiyahan kahapon ng Pamahalaan ng Lalawigang Sichuan na mula bukas, muling bubuksan ang bahagi ng pamilihang panturista nito.
Sinabi ni Zhang Gu, Puno ng Kawanihan ng Turismo ng Sichuan, na ilang scenic spot ng lalawigan ang muling bubuksan sa turista. Pero, aniya, hindi kabilang dito iyong mga malubhang nilindol na purok na kung saan ang pangunahing misyon ay nananatili pa ring pagsasaayos ng mga apektadong mamamayan at pagsasagawa ng rekonstruksyon.
|