• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-06-19 17:26:13    
Gawaing panaklolo ng Tsina, natamo ang mahalagang tagumpay sa isang yugto

CRI

Ipinahayag dito sa Beijing ngayong araw ni Wu Bangguo, tagapangulo ng Pirmihang Lupon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC), na maayos na isinasagawa ang self-aid production at rekonstruksyon pagkaraan ng kalamidad sa mga nilindol na purok ng Lalawigang Sichuan ng Tsina. Sa kasalukuyan, matatag ang lipunan sa mga apektadong lugar at natamo ng gawaing panaklolo ang mahalagang tagumpay sa isang yugto.

Winika ito ni Wu sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas ng ika-5 pulong ng mga parliamento ng Asya at Europa.

Ipinahayag pa ni Wu na ang gawaing panaklolo ng Tsina ay tumanggap ng puspusang pagkatig at saklolo ng mga pamahalaan at mamamayan sa daigdig na kinabibilangan ng mga bansang Asyano at Europeo, lumahok naman sa gawaing panaklolo ang mga rescue team at medical team ng ilang bansa. Sa ngalan ng pamahalaan at mga mamamayang Tsino, muling nagpahayag si Wu ng taos-pusong pasasalamat sa komunidad ng daigdig.

Salin: Vera