• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-06-20 17:12:50    
Sektor ng abiyasyong sibil ng Tsina, igagarantiya ang mainam na serbisyo para sa Beijing Paralympics

CRI
Ipinahayag ngayong araw sa Beijing ni Yang Guoqing, pangalawang puno ng Administrasyon ng Abiyasyong Sibil ng Tsina, na ipagkakaloob ng sektor ng abiyasyong sibil ng kanyang bansa ang buong garantiya sa transportasyong pang-abiyasyon para sa Beijing Paralympic Games.

Sinabi ni Yang na bago ang pagbubukas ng Beijing Olympic at Paralympic Games, susuriin ng kanyang administrasyon ang mga kagamitan at pasilidad sa mga paliparan at airline company at palalakasin ang kakayahan sa pagharap sa mga biglaang pangyayari.

Napag-alamang natapos na ng nabanggit na administrasyon ng konstruksyon ng non-barrier facilities sa mga eropleno at paliparan at isinagawa ang pagsasanay sa mga tauhang maglilingkod sa Paralympic Games.

Salin: Liu Kai