Pagkaraan ng 3 araw na pagsusuri sa nilindol na purok ng Lalawigang Sichuan ng Tsina, ipinahayag ngayong araw sa Beijing ni Hans Troedsson, kinatawan ng World Health Organization sa Tsina, na hanggang sa kasalukuyan, wala pang naiulat na epidemiya sa nilindol na purok.
Binigyan din ni Troedsson ng mataas na pagtasa ang gawain ng mga tauhang medikal ng Tsina sa nilindol na purok para sa pagbibigay-lunas sa mga nasugatan at pagpigil sa epidemiya.
Salin: Liu Kai
|