• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-06-20 18:39:52    
Halaga ng pondo at materyal na panaklolo sa nilindol na purok, lumampas sa 46.5 bilyong yuan

CRI

Isinapubliko ng tanggapan ng impormasyon ng konseho ng estado ng Tsina na hanggang alas-12 ngayong araw, tinanggap ng buong bansa ang 46.58 bilyong yuan RMB na iniabuloy na pondo at materyal mula sa loob at labas na bansa para sa nilindol na purok ng Lalawigang Sichuan at ipinagkaloob na sa mga nilindol na purok ang mga pondo at materyal na nagkakahalaga ng 15.6 bilyong yuan.

Ayon sa Ministri ng Suliraning Sibil ng Tsina, hanggang alas-12 ngayong araw, 69180 tao ang nasawi sa lindol na ito at 17398 ang nawawala pa.

Ayon naman sa Ministri ng Pananalapi, inilaan ng mga pamahalaan sa iba't ibang antas ang 54.3 bilyong yuan sa gawaing panaklolo.

Salin: Ernest