Sa paanyaya ni premyer Wen Jiabao ng Tsina, mula ika-30 ng buwang ito hanggang ika-3 ng susunod na buwan, pormal na dadalaw sa Tsina si punong ministro Samak Sundaravej ng Thailand.
Ipinatalastas ito ngayong araw ni tagapagsalita Liu Jianchao ng Ministring Panlabas ng Tsina sa isang regular ng news briefing. Sinabi ni Liu na sa panahon ng pagdalaw ni Samak, makikipagtagpo sa kanya si pangulong Hu Jintao ng Tsina at makikipag-usap naman sa kanya si premyer Wen.
Ipinahayag pa ni Liu na ang Thailand ay mapagkaibigang kapitbansa ng Tsina. Nitong nakalipas na ilang taon, sa ilalim ng magkasamang pagsisikap ng kapuwa panig, komprehensibo at malalimang umuunlad ang etratehikong kooperasyon ng Tsina't Thailand. Anya, nananalig ang panig Tsino na buong lakas na pasusulungin ng pagdalaw na ito ang ibayo pang pag-unlad ng relasyong Sino-Thai.
Salin: Vera
|