• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-07-01 18:33:11    
Tsina, palalakasin ang pangangasiwa sa kalidad para sa rekonstruksyon sa nilindol na purok at Olimpiyada

CRI
Napag-alaman ngayong araw mula sa State Administration for Quality Supervision, Inspection and Quarantine ng Tsina na mula buwang ito hanggang sa darating na Oktubre, ibayo pang palalakasin ng Tsina ang pangangasiwa sa kalidad para sa rekonstruksyon sa nilindol na purok at Beijing Olympic Games.

Sasamantalahin ang pagkakataon ng kasalukuyang Olimpiyada, malawakang isasagawa ng iba't ibang lugar ng Tsina ang aktibidad ng pagkakaloob ng de-kalidad na produkto at serbisyo. I-oorganisa rin ng iba't ibang lugar ang mga eksperto sa kalidad para magbigay-tulong sa mga bahay-kalakal sa nilindol na purok at eenkorahehin ang mga kilalang bahay-kalakal na tulungan ang mga bahay-kalakal sa nilindol na purok sa pagpapanumbalik ng produksyon.

salin:wle