• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-07-01 18:49:40    
Hu Jintao, nakipagtagpo sa Thai PM

CRI
Sa kanyang pakikipagtagpo ngayong araw sa Beijing kay Samak Sundaravej, dumadalaw na punong ministro ng Thailand, ipinahayag ni pangulong Hu Jintao ng Tsina na nakahanda ang kanyang bansa, kasama ng Thailand, na palawakin at palalimin ang kanilang estratehikong kooperasyon.

Sinabi ni Hu na ang paggigiit sa pagkakaibigang pangkapitbansaan at pangmatagalang kooperasyon ng Tsina at Thailand ay matatag at di-magbabagong patakaran ng pamahalaang Tsino. Nakahanda anya ang Tsina na magsikap, kasama ng Thailand, para sa mutuwal na kapakinabangan, win-win situation at komong pag-unlad.

Sinabi naman ni Samak na palagiang iginigiit ng Thailand ang patakarang isang Tsina. Umaasa siyang lubos na magtatagumpay ang Beijing Olympic Games. Ipinahayag din niyang ang kahandaang patuloy na pasulungin ang relasyong Sino-Thai.

Salin: Liu Kai