• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-07-10 18:38:51    
Pamahalaang Tsino, naglaan na ng mahigit 59 bilyong yuan RMB na pondong panaklolo

CRI

Hanggang alas-12 ngayong araw, naglaan na ang pamahalaan sa iba't ibang antas ng Tsina ng mahigit 59 bilyong yuan RMB na pondo para sa pakikibaka laban sa lindol at gawaing panaklolo.

Ayon sa ulat ng Ministri ng mga Suliraning Sibil ng Tsina, hanggang oras na iyan, 69197 tao ang nasawi sa lindol sa Wenchuan ng Tsina, at 18377 ang nawawala.

Ayon naman sa ulat ng Ministri ng Pananalapi, hanggang alas-12 ngayong araw, tinanggap ng buong bansa ang mga ini-abuloy na pondo at materyal na nagkakahalaga ng mahigit 57 bilyong yuan RMB mula sa iba't ibang sirkulo ng lipunan sa loob at labas ng bansa at inilaan na ang mahigit 20.5 bilyong yuan RMB sa mga nilindol na purok.

Ayon sa ulat ng Ministri ng Komunikasyon at Transportasyon, hanggang panahong iyan, mahigit 53 libong kilometro na pambansang lansangan ang sinira at mahigit 52 libong ang kinumpuni na.

Salin: Vera