• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-07-12 15:44:04    
Magkasanib na pagsasanay laban sa terorismo ng Tsina at Thailand, sinimulan na

CRI

Sinimulan kahapon sa Lalawigang Chiang Mai ng Thailand ang magkasanib na pagsasanay laban sa terorismo ng mga special operations forces ng tropang panlupa ng Tsina at Thailand.

Magkasamang dumalo sa seremonya ng pagsisimula ang delegasyong Tsino na pinamumunuan ni Zheng Qin, pangalawang komander ng Guangzhou Military Area Command at delegasyong Thai na pinamumunuan ni Supharat Phatthanawisut, pangalawang komander ng kuwartel ng special operations forces ng tropang panlupa ng Thailand.

Sa kanyang talumpati sa seremonya, ipinahayag ni Zheng na ang tema ng kasalukuyang pagsasanay ay paglaban sa terorismo at ito ay angkop sa pangangailangan ng kalagayang panseguridad sa loob at labas ng Tsina. Nakahanda anya ang panig Tsino na makipagpalitan sa mga hukbo ng iba't ibang bansa para mapalakas ang kakayahan laban sa terorismo, mapangalagaan ang katiwasayan at katatagan ng rehiyon at makapagbigay ng ambag para sa kapayapaan ng daigdig.

Ang 20 araw na pagsasanay na ito ay nilalahukan ng tig-24 na opisyal't sundalo ng special operations foces ng Tsina at Thailand.

Salin: Jason