Sinimulan kamakailan sa Guangxi International Youth Exchange Institute sa timog kanlurang Tsina ang ika-12 klase para sa senior study and research program for international young cadres na nilahukan ng 34 na kabataang kadre mula sa Brunei, Malaysia at Singapore.
Napag-alamang ang naturang proyekto ay sinimulan noong 2002 batay sa narating na komong palagay ng Chinese Communist Youth League, All-China Youth Federation at mga departamento ng pamahalaan at organisasyong pambata ng mga bansang ASEAN. Nitong nakalipas na 6 na taon, lumahok na sa klaseng ito ang mahigit 490 kabataang kadre mula sa mga bansang ASEAN.
Salin: Liu Kai
|