Ayon sa estadistika ng tanggapang pang-impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina, hanggang ngayong araw, sa mahigit 57.2 bilyong yuan RMB na abuloy na pondo at materyal sa nilindol na purok ng Tsina, iniabot na sa bank account ang mahigit 99% at kabilang dito, inilaan na sa mga nilindol na purok ang mga pondo at materyal na nagkakahalaga ng mahigit 20.9 bilyong yuan.
Salin: Liu Kai
|