• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-07-14 12:47:43    
Lahat ng gawain para sa Beijing Olympic Games, handang-handa na

CRI

Pagkaraan ng 7 taong buong sikap at mapanlikhang gawain, handang-handa na sa kabuuan ang iba't ibang gawain ng Beijing Olympic Games.

Napag-alamang sapul nang matamo ng Beijing noong 2001 ang karapatan sa pagtataguyod ng Olimpiyada, inilaan nito ang 140 bilyong yuan RMB lahat-lahat sa pangangalaga sa kapaligiran at natupad na ang lahat ng 7 pangako sa gawain ng pagpapaberde na ginawa ng Beijing noong panahon ng pagbibiding para sa Olimpiyada.

Sa aspekto ng konstruksyon ng mga venues ng Olimpiyada, itinayo ang 12 na kinabibilangan ng Bird's Nest at Water Cube, binago at pinalawak ang 11 at itinayo ang 8 pang pansamantalang venues. Kapansin-pansin din ang bunga ng konstruksyon ng komunikasyong pampubliko na gaya ng subway at iba pa.

Natapos naman ng 6 na co-host cities na kinabibilangan ng Hong Kong, Shanghai, Qingdao, Tianjin, Shenyang at Qinhuangdao ang gawaing paghahada sa mataas na kalidad at alinsunod sa iskedyul.

Sa kasalukuyan, pawang maliwanag na ipinahayag ng mga Olympic Committee ng 205 bansa at rehiyon nasa ilalim ng International Olympic Committee ang paglahok sa Beijing Olympic Games. Ito ay nangnangahulugang ang Beijing Olympic Games ay magiging isang Olimpiyadang may pinakamaraming kalahok na bansa at rehiyon sa kasaysayan.

Salin: Ernest