• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-07-14 12:49:22    
Gaungxi at Biyetnam, magkasanib na nagbibigay-dagok sa krimen

CRI

Magkasanib na binigyang-dagok ng pulisya ng Lunsod ng Pingxiang ng Rehiyong Awtonomo ng Guangxi ng Tsina at Biyetnam ang mga krimen na gaya ng pagpupuslit, pagbebenta ng droga at sandata, ilegal na pagtawid, human trafficking at iba pa. Nitong 3 taong nakalipas, iniligtas ng dalawang panig ang mahigit 260 dinukot na babaeng Biyetnames at dinakip ang 27 may-kagagawan ng malalaking krimeng transnasyonal.

Napag-alamang ang pulisya ng dalawang panig ay hindi lamang nagbukas ng telephone hotline, kundi rin nagsasagawa ng regular na pag-uugnayan at pagtatalakay. Itinatag din sa naturang lunsod ng may kinalamang organo ng UN at Minstri ng Seguridad na Pampubliko ng Tsina ang tanggapang liasyon para sa pagtutulungan sa pagbibigay-dagok sa transnasyonal na pagbebenta ng mga bata at babae.

Salin: Ernest