Pumunta kahapon sa mga check point ng Beijing, Hebei at Tianjin, si Zhou Yongkang, pirmihang kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) para suriin ang gawaing panseguridad sa Beijing Olympics. Hiniling niya sa mga may kinalamang departamento na palakasin ang pagsasagawa ng tungkulin para maigarantiya ang pagsasakatuparan ng target ng "ligtas na Olimpiyada" at mabigyang-kasiyahan ang komunidad ng daigdig at mga mamamayan ng buong bansa.
Tinukoy ni Zhou na sa gawaing panseguridad para sa Olimpiyada, dapat sikapin para lumikha ng mainam na kapaligirang panseguridad para sa matagumpay na pagdaraos ng Beijing Olympics.
Salin: Li Feng
|