• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-07-19 16:07:27    
Mga lider ng Tsina't Kambodya, bumati sa ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng 2 bansa

CRI

Nagpadala ngayong araw ng mensaheng pambati sa isa't isa ang mga lider ng Tsina't Kambodya bilang pagdiriwang sa ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng 2 bansa.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni pangulong Hu Jintao ng Tsina na ang pagkakatatag ng komprehensibong partnership na pangkooperasyon ng Tsina't Kambodya ay nagpalakas ng kasiglahan ng relasyon ng 2 bansa at nagpakita ng malawakang prospek ng pag-unlad. Nakahanda anya ang pamahalaan at mga mamamayang Tsino, kasama ng pamahalaan at mga mamamayang Kambodyano na palakasin ang pagpapalagayan, palawakin ang kooperasyon, pasulungin ang komong kaunlaran at pataasin ang kanilang relasyon at kooperasyon sa bagong antas.

Sa kanya namang mensahe, ipinahayag ni Haring Norodom Sihamoni ng Kambodya ang pananalig na ang komong kaunlaran nila ng Tsina ay magpapalawak ng larangan ng kanilang bilateral na kooperasyon at magpapasulong sa pagpapalagayan ng mga mamamayan ng 2 bansa.

Nagpadala rin ng mga mensaheng pambati sa isa't isa ang mga lider ng Tsina na gaya nina tagapangulo Wu Bangguo ng Pirmihang Lupon ng Pambansang Kongresong Bayan, premyer Wen Jiabao at tagapangulo Jia Qinglin ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino, at mga lider ng Kambodya na gaya nina pangulong Heng Samrim ng Pambansang Asembleya, punong ministro Hun Sen at pangulong Chea Sim ng mataas na kapulungan.

Salin: Vera