Sa pulong ng publisidad at promosyon ng turismo ng Sichuan na idinaos kamakailan sa Beijing, isinalaysay ng may kinalamang departamento ng Lalawigang Sichuan na nagsimulang bumangon ang pamilihang panturismo ng lalawigang ito.
Napag-alamang sa naganap na lindol sa Sichuan, maliit ang epekto sa karamihan sa mga lugar at rutang panturista at sa kasalukuyan, napanumbalik na ang karamihan sa mga pamilihang panturismo ng Sichuan.
Salin: Liu Kai
|