• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-07-23 09:53:54    
Yang Jiechi: pagpapalakas ng kooperasyon ng "10+3", angkop sa komong interes

CRI

Sa pulong ng mga ministrong panlabas ng ASEAN, Tsina, Hapon at Timog Korea o "10 plus 3" na idinaos kahapon sa Singapore, ipinahayag ni Yang Jiechi, Ministrong Panlabas ng Tsina, na ang pagpapatatag at pagpapalakas ng kooperasyon ng "10+3" ay angkop sa komong interes ng iba't ibang bansa.

Ipinahayag ni Yang na ang kooperasyon ng "10+3" ay ibayo pang nagpahigpit ng pag-uugnayan ng mga bansa sa Silangang Asya, nagpalakas ng ideya sa kooperasyong panrehiyon, win-win at mutuwal na kapakinabangan, nagdulot ng aktuwal na kapakinabangan sa mga mamamayan ng iba't ibang bansa at nagpasulong ng kapayapaan, kaunlaran, kooperasyon at kasaganaan ng rehiyong ito. Sinabi niyang lubos na pinahahalagahan ng pamahalaang Tsino ang kooperasyon ng "10+3" at patuloy na palalakasin ang kooperasyong panrehiyon.

Iniharap din ni Yang ang 5 mungkahi hinggil sa pagpapalakas ng kooperasyon ng "10+3" at nakahanda anya ang Tsina na magkaloob ng kinakailangang pagkatig at pagtulong sa pagtatatag ng grupo ng "10+3" sa sekretaryat ng ASEAN.

Salin: Ernest