• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-07-23 10:07:50    
Yang Jiechi, dumalo sa di-pormal na pagsasanggunian ng mga ministrong panlabas ng Summit ng Silangang Asya

CRI

Dumalo kahapon sa Singapore si Yang Jiechi, Ministrong Panlabas ng Tsina, sa di-pormal na pagsasanggunian ng mga ministrong panlabas ng Summit ng Silangang Asya at inilahad ang paninindigan at patakaran ng pamahalaang Tsina sa seguridad ng enerhiya, pagbabago ng klima at iba pa.

Sinabi ni Yang na upang maigarantiya ang seguridad ng enerhiyang pandaigdig, dapat itatag at isagawa ang bagong ideya sa seguridad ng enerhiya. Sinabi niyang pinahahalagahan ng panig Tsino ang kooperasyon sa seguridad ng enerhiya sa loob ng kooperasyon ng Silangang Asya at ipinalalagay na sa Summit ng Silangang Asya, dapat bigyang-priyoridad ang pagsasagawa ng diyalogo sa patakaran ng enerhiya.

Kaugnay ng isyu ng pagbabago ng klima, binigyang-diin ni Yang na batay sa kahilingan ng United Nations Framework Convention on Climate Change at Kyoto Protocol, dapat igiit ang prinsipyo ng komon pero nagkakaibang responsibilidad at aktibong pasulungin ang pagpapatupad ng Bali Roadmap. Nakahanda anya ang panig Tsino na palakasin, kasama ng iba't ibang bansa sa Silangang Asya, ang diyalogo at kooperasyon hinggil sa isyu ng pagbabago ng klima.

Salin: Ernest