• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-07-23 16:22:07    
Tsina at ASEAN: dapat palakasin ang pagkakaisa at kooperasyon

CRI
Sa kanyang paglahok sa pulong ng mga ministrong panlabas ng Tsina at mga bansang ASEAN, binigyan-diin ni Yang Jiechi, ministrong panlabas ng Tsina, na sa kasalukuyan, bumabagal ang paglaki ng pandaigdigang kabuhayan, patuloy na tumataas ang presyo ng langis at pagkain-butil, nagiging masigla ang proteksyonismong pangkalakalan, walang humpay na nagaganap ang likas na kapahamakan, sa ilalim ng kalagayang ito, dapat palakasin ng Tsina at mga bansang ASEAN ang pagkakaisa at kooperasyon.

Sinabi ni Yang na noong isang taon, natamo ang positibong progreso ng kooperasyong Sino-ASEAN, walang humpay na lumalakas ang estratehikong partnership ng dalawang panig, mainam ang tunguhin ng pagpapalitan ng iba't ibang antas at may magandang pagpapalitan at pagkokoordinahan sa kooperasyon ng Silangang Asya at mga malaking isyung panrehiyon at pandaigdig.

Ipinahayag ng mga ministrong panlabas ng ASEAN na ang pag-unlad ng Tsina ay nagkakaloob ng malaking pagkakataon para sa ASEAN. Nakahanda ang mga bansang ASEAN, kasama ng panig Tsino, na pasulungin ang konstruksyon ng malayang sonang pangkalakalan, palakasin ang pagkokoordinahan at pagtutulungan sa mga suliraning panrehiyon, magkakasamang pangalagaan ang kapayapaan at katatagang panrehiyon at pasulungin ang komong pag-unlad.

Salin: Sissi