Idaraos samakalawa ang kaunang-unahang "linggo ng pagpapalitang pang-edukasyon ng Tsina at ASEAN" sa Guiyang, punong lunsod ng lalawigang Guizhou sa timog kanluran ng Tsina.
Ang layon ng aktibidad na ito ay pasulungin ang komprehensibong pagpapalitan at pagtutulungang pang-edukasyon ng Tsina at mga bansang ASEAN sa lahat ng direksyon, mga larangan at mataas na antas, pasulungin ang kooperasyon ng mga pamantasan sa rehiyong timog kanluran ng Tsina at mga bansang ASEAN, hanapin ang pagpapalitang pangkabuhayan, pangkultura at komong pag-unlad ng Tsina at ASEAN.
Sa panahon ng nasabing aktibidad, mga guro, estudyante mula sa mga pamantasan ng mga bansang ASEAN at Australya, kinatawan mula sa sekretaryat ng ASEAN at United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization, UNESCO at mga opisyal at kinatawang Tsino ang lalahok sa isang serye ng porum at pulong.
Salin: Sissi
|