Iniharap ngayong araw sa Singapore ni Yang Jiechi, Ministrong Panlabas ng Tsina, ang 5 mungkahi hinggil sa kung papaanong mapapataas ang lebel ng kooperasyon ng ASEAN regional forum.
Ang naturang 5 mungkahi ay kinabibilangan ng una, isagawa ang hakbangin ng pagtatatag ng pagtitiwalan sa buong proseso ng bagong yugto ng pag-unlad ng porum; Ikalawa, batay sa aktuwal na pangangailangan ng rehiyong Asya-Pasipiko, mabisang pasulungin ang defend diplomatism ng porum; Ikatlo, igiit ang diwang panseguridad at modelong panseguridad ng paggagalangan sa isa't isa, pantay-pantay na diyalogo, pagsasanggunian at kooperasyon at mutuwal na kapakinabangan at win-win situation; Ika-4, pangunahing isagawa ang defend diplomatism sa pagpigil at pagharap sa isyung transnasyonal at seguridad na di-tradisyonal; Ika-5, pataasin ang lebel ng decision-making at episyensiya at benipisyo ng porum.
Salin: Andrea
|