Sa regular na preskong idinaos ngayong araw sa Beijing, ipinahayag ni Liu Jianchao, tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na itinatag ng pamahalaang Tsino ang embahador sa ASEAN at ito ay mahalagang palatandaan ng malalim na pag-unlad ng relasyon ng Tsina at ASEAN.
Sa pulong mga Ministrong Panlabas ng Tsina at ASEAN na idinaos kahapon sa Singapore, ipinahayag ng panig Tsino na para mapalalim ang pag-uugnayan at pagkokoordinahan, ipinasiya ng Tsina na itatag ang embahador sa ASEAN.
Sinabi ni Liu Jianchao na ang target ng pagtatatag ng embahador na ito ay ibayo pang pasulungin ang estratehiko at kooperatibong partnership ng Tsina at ASEAN.
Salin: Andrea
??
|