• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-07-28 12:41:17    
Matagumpay na pagdaraos ng Beijing Olympics, komong karangalan at responsibilidad ng mga mamamayang Tsino

CRI

Sa isang artikulong ipinalabas ngayong araw ng "People's Daily", tinukoy nito na ang pagdaraos ng Beijing Olympics at Paralympics bilang isang pandaigdigang maringal na katipunang pampalakasan na ikasisiya ng komunidad ng daigdig, mga manlalaro ng iba't ibang bansa at mga mamamayan, ay komong karangalan at responsibilidad ng mga mamamayang Tsino.

Sinabi nito na ang matagumpay na pagdaraos ng Beijing Olympic Games ay may mahigpit na pag-uugnayan sa malawak na masa ng mga mamamayan. Salamat sa positibong pagkatig at kasiglahan ng malawak na masa ng mga mamamayan, maalwang isinasagawa ang iba't ibang paghahanda para sa Beijing Olympic, at lubos itong pinapurihan ng komunidad ng daigdig.

Tinukoy din nito na idaroas sa malapit na hinaharap ang Beijing Olympics, dapat puspusang pabutihin ng mga may kinalamang panig ang paghahanda sa huling yugto at iba't ibang gawain sa panahon ng Olimpiyada para maidaos ang isang Olimpiyadang may katangian at mataas na lebel at totohanang isakatuparan ang solemnang pangako ng Tsina sa komunidad ng daigdig.

Salin: Li Feng