Ipinahayag kahapon sa Beijing ni Rosihan Arsyad, puno ng delegasyong pampalakasan ng Indonesiya sa Beijing Olympic Games at Pangkalahatang Kalihim ng Indonesian Olympic Committee, na nananalig siyang handang-handa na ang Beijing para sa Olimpiyada at hindi mabubura ang Olimpiyadang ito sa isip ng mga tao.
Ipinahayag niyang mabilis ang pag-unlad ng Tsina at mahusay ang iba't ibang gawaing paghahanda ng Beijing para sa Olimpiyada.
Salin: Ernest
|