Isiniwalat ngayong araw sa Guiyang, lunsod sa timog kanlurang Tsina ni Liu Baoli, opisyal ng Ministri ng Edukasyon ng Tsina, na magkakaloob ang pamahalaang Tsino ng 50 full scholarship sa estudyenteng Asean bilang bahagi ng unang pangkat ng China-Asean Scholarship.
Sinabi ni Liu na mula susunod na taon, maaaring mag-aplay ng naturang scholarship ang mga estudyente mula sa 10 bansang Asean at ipagkakaloob ang mga scholarship na ito, pangunahin na, sa mga mag-aaral sa bachelor, master at doctor degree program.
Salin: Vera
|