• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-07-28 18:48:49    
Serbisyong pinansyal ng Beijing sa mga dayuhan, handang handa na

CRI
Ipinahayag ngayong araw sa Beijing ni Yang Zaiping, pangalawang puno ng China Banking Regulatory Commission, na sa kasalukuyan, handang handa na ang mga organo ng serbisyong pinansyal sa Beijing para sa pagkakaloob ng mahusay at epektibong serbisyo sa mga dayuhang manlalaro, mamamahayag, manonood at maglalakbay.

Isinalaysay ni Yang na sa kasalukuyan, mahigit 85% service points ng mga bangkong komersyal sa Beijing ang makakapagkaloob ng mga serbisyo sa pagpapalitan ng salapi, pagtanggap ng traveler's check at iba pa at kabilang dito, 82 service points ang makakapagkaloob ng serbisyo nang 24 na oras bawat araw. Makakatanggap ang karamihan sa mga ATM ng mga pangunahing dayuhang bank cards na gaya ng VISA at Master Card. Idedeploy din sa maraming service points ang mga tagapaglingkod na makakapagsalita ng mga wikang dayuhan.

Salin: Liu Kai