• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-07-29 16:15:49    
Posibilidad ng pagsasaayos sa oras ng paligsahan ng Beijing Olympics dahil sa kalidad ng hangin, napakaliit

CRI

Ipinahayag dito sa Beijing ngayong araw ni Gilbert Felli, punong tagapagpaganap ng Olimpiyada ng International Olympic Committee o IOC, na mas mabuti kaysa palagay sa labas ang kalidad ng hangin ng Beijing, at ipinalalagay niyang napakaliit ng posibilidad na isaayos ang oras ng paligsahan sa panahon ng Olimpiyada dahil sa kalidad ng hangin.

Ipinalalagay kamakailan ng ilang mediang dayuhan na pagkaraang isagawa ng Beijing ang limitasyon sa transportasyon, grabe pa rin ang polusyon sa hangin. Kaugnay nito, ipinahayag ni Felli na ang pagtasa sa kalidad ng hangin ay dapat nababatay sa siyentipikong datos, sa halip ng mata lamang. Patuloy na pag-uukulan anya ng IOC ng pansin ang kalidad ng hangin ng Beijing at gagawa ng katugong kapasiyahan ayon sa resulta ng datos ng pagsusuri.

Salin: Vera