Sa isang news briefing na idinaos dito sa Beijing ngayong araw, ipinahayag ni Yi Xintian, tagapagsalita ng Pambansang Kawanihan ng Karapatan sa Pagmamay-ari sa Likhang-Isip (IPR) ng Tsina, na mahigpit na pangangalagaan ng kaniyang bansa ang IPR ng Olympics.
Sinabi niya na upang mapalakas ang pangangalaga sa sagisag ng Olympics at paggarantiya sa dignidad ng Olympic Games, isinapubliko at isinagawa ng pamahalaang Tsino ang "Regulasyon ng Pangangalaga sa Sagisag ng Olympics". Ito aniya ay puwersang hakbangin ng Tsina para sa pangangalaga sa IPR ng Olympics.
Salin: Li Feng
|