• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-07-29 18:35:33    
Magkasanib na pagsasanay ng Tsina at Thailand laban sa terorismo, maalwang natapos

CRI
Maalwang natapos ngayong araw sa Chiang Mai ng Thailand ang 20-araw na magkasanib na pagsasanay ng Tsina at Thailand laban sa terorismo na may codename na Strike-2008.

Sa kanyang paglahok sa seremonya ng pagpipinid, ipinahayag ni Ma Xiaotian, pangalawang puno ng pangkalahatang estado mayor ng People's Liberation Army, na may napakahalagang katuturan ang naturang magkasanib na pagsasanay para sa pagpapataas ng kakayahan sa magkasamang paglaban sa terorismo, pagbibigay ng deterrent sa mga puwersang teroristiko at pangangalaga sa kaligtasan at katatagang panrehiyon.

Sa kanya namang talumpati, ipinahayag ni Montree Chumpoo, puno ng pangkalahatang estado mayor ng tropang panlupa ng Thailand, na sa pamamagitan ng pagsasanay na ito, umaasang ibayo pang mapapalalim ang pangkaibigang relasyon ng mga hukbo ng Tsina at Thailand para makapagbigay ng malaliman at pangmalayuang impluwensiya sa komprehensibong kooperasyon ng dalawang panig.

Salin: Sissi