• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-07-30 09:54:07    
Porum sa kooperasyong pangkabuhayan ng Pan-Beibu Gulf, binuksan

CRI
Binuksan ngayong araw sa Beihai, lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Guangxi sa timog kanlurang Tsina, ang dalawang araw na porum sa kooperasyong pangkabuhayan ng Pan-Beibu Gulf.

Ang kasalukuyang porum na may temang "magkakasamang pagtatatag ng bagong polo ng pag-unlad ng Tsina at ASEAN--pag-uugnayan, pagtutulungan at kasaganaan" ay nilalahukan ng mga opisyal ng pamahalaang Tsino, opisyal ng mga may kinalamang bansang ASEAN, dalubhasa at iskolar mula sa loob at labas ng bansa at kinatawan mula sa mga bantog na bahay-kalakal, organong pinansyal at organisasyong pandaigdig na gaya ng Asian Development Bank. Tatalakayin nila ang tatlong paksa na kooperasyong pangkabuhayan ng Pan-Beibu Gulf sa background ng di-balanse at di-matatag na pag-unlad ng kabuhayang pandaigdig, mahahalaga't mahihirap na isyu at tunguhin ng kooperasyon ng Pan-Beibu Gulf at pagbubukas't pagdedebelop ng sonang pangkabuhayan ng Beibu Gulf ng Guangxi at kooperasyong pangkabuhayan ng Pan-Beibu Gulf.

Salin: Liu Kai