• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-08-04 17:10:10    
Mga delegasyon at medyang dayuhan, positibo sa paghahanda at pag-oorganisa ng Beijing Olympics

CRI

Nitong ilang araw na nakalipas, nagpahayag ng pagtanggap ang iba't ibang delegasyong kalahok sa Beijing Olympic Games sa gawaing paghahanda at pag-oorganisa ng Olimpiyada. Binigyan naman ng lubos na pansin ng mga dayuhang medya ang Olimpiyada.

Ipinahayag ni Gianni Petrucci, tagapangulo ng Olympic Committee ng Italya, na perpekto ang gawaing paghahanda ng Beijing Olympic Games at lubos ding ikinasisiya ng mga manlalaro ng kanyang bansa ang gawaing pag-oorganisa. Ipinahayag naman ni Cai Cijue, puno ng delegasyon ng Chinese Taipei, na ang mga venues ng Beijing Olympic Games ay pinakamabuti sa kasaysayan ng Olimpiyada at ang mahalagang pamana ng Olimpik.

Tinukoy ng pahayagang Korea Herald ng Timog Korea na ang kasalukuyang Olimpiyada ay isang pagkakataong nagpapakita ng kahandaan ng Tsina sa pagpapatingkad ng pangunahing papel sa komunidad ng daigdig. Sinabi ng British Broadcasting Corporation na ang kalidad ng hangin sa Beijing ay ganap na angkop sa kahilingan ng mga paligsahan. Tinukoy ng pahayagang Global and Mail ng Kanada na nakatatawa ang pagkabalisa sa pagkain sa Olympic Village. Sinabi ng ulat ng Minju Choson, official organ ng Gabinete ng Hilagang Korea, na sa kasalukuyan, isinasagawa ng Tsina ang mga paghahanda sa pinakahuling yugto para sa Olimpiyada at ang pagsisikap na ito ay tiyak na makakapagpasulong sa kilusan ng Olimpiyada.

Salin: Ernest

?