• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-08-04 20:42:57    
Hu Jintao: idaraos ng Tsina ang isang Olympiyada na may katangian at mataas na lebel

CRI
Ipinahayag dito sa Beijing ngayong araw ni pangulong Hu Jintao ng Tsina na ipapatupad ng pamahalaan at mga mamamayang Tsino ang pangakong magsikap para maidaos ang isang Olympiyada na may katangian at mataas na lebel.

Binuksan kaninang gabi ang ika-120 sesyong plenaryo ng International Olympic Committee o IOC sa China National Great Theater. Sa kanayang talumpati sa seremoniya ng pagbubukas, sinabi ni Hu na ang pagdaraos ng isang Olympiyada na may katangian at mataas na lebel ay isang solemnang pangako ng Tsina sa komunidad ng daigdig. Umaasa ang Tsina na sa pamamagitan ng pagdaraos ng Beijing Olympic Games, pasusulungin ang pag-unlad ng International Olympic sport, palalaganapin ang diwa ng Olympiyada.

Ipinahayag din ni Hu na nitong ilang taong nakalipas, walang humpay na lumalakas ang kooperasyon at pagpapalitan sa pagitan ng sirkulong pampalakasan ng Tsina at IOC at sirkulong pampalakasan ng iba't ibang bansa, at ang palakasan ay naging mahalagang puwersang tagapagpasulong sa pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng Tsina, at naging mahalagang tulay ng Tsina sa pagsasagawa ng pakikipagkooperasyon at pakikipagpalitan sa labas at pagpapalalim ng pagkaibigan ng mga mamamayan ng Tsina at iba't ibang bansa ng daigdig.

Salin:Sarah