Nakipagtagpo ngayong araw sa Beijing si Jia Qinglin, tagapangulo ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino o CPPCC, sa mga panauhing dayuhan na nandito sa Beijing para lumahok sa seremoniya ng pagbubukas ng Beijing Olympic Games.
Sa kanyang pakikipagtagpo kay Nguyen Minh Triet, pangulo ng Biyetnam, ipinahayag ni Jia na sa pamamagitan ng magkasamang pagsisikap ng dalawang bansa, natamo ng kanilang relasyon ang bagong progreso nitong ilang taong nakalipas. Nakahanda ang Tsina, kasama ang Biyetnam, na walang humpay na pasulungin ang kanilang komprehensibo at estratehikong partnership. Ipinahayag din niyang nakahanda ang CPPCC na palakasin ang pakikipagkooperasyon sa Vietnam Fatherland Front. Sinabi naman ni Nguyen na nakahanda ang partido at pamahalaan ng Biyetnam na walang humpay na palawakin ang pakikipagkooperasyon sa Tsina para pasulungin ang komprehensibo at malalim na pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa.
Salin:Sarah
|