Nagpadala ng mensahe ngayong araw si Yang Jiechi, ministrong panlabas ng Tsina, sa kaniyang counterpart na si Tej Bunnag ng Thailand - kasalukuyang tagapangulong bansa ng ASEAN - bilang pagbati sa ika-41 anibersaryo ng pagkakatatag ng ASEAN.
Tinukoy ng mensahe na ang pagpapalakas ng estratehikong partnership na Sino-ASEAN ay itinakdang patakaran ng pamahalaang Tsino. Buong tatag na palalakasin ng Tsina ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan nila ng mga bansang ASEAN sa iba't ibang larangan, pasusulungin ang malalimang pag-unlad ng kanilang estratehikong partnership, kakatigan ang konstruksyon ng integrasyon ng ASEAN at pagpapatingkad ng ASEAN ng namumunong papel sa kooperasyong panrehiyon, magsisikap kasama ng ASEAN, para makapagbigay ng bagong ambag sa pangangalaga sa kapayapaan, katatagan at kasaganaang panrehiyon.
Salin: Sissi
|