• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-08-10 21:56:55    
14 medalyang ginto, pinaglabanan na sa ika-2 araw ng Beijing Olympics

CRI

Pumasok ngayong araw sa ikalawang araw ang paligsahan ng Beijing Olympic Games. Pinaglabanan na ang 14 na medalyang ginto.

Kaninang umaga, sa final of men's 400m individual medley, lumikha si Michael Phelps, manlalarong Amerikano, ng rekord na pandaigdig at napasakamay ang medalyang ginto.

Sa final of men's 400m freestyle, napasakamay ni Park Taehwan, manlalarong Timog Koreano, ang medalyang ginto.

 

Sa final of women's 400m individual medley, natamo ni Stephanie Rice, manlalaro ng Australia,ang medalyang ginto.

Napasakamay kaninang umaga ng Holand team ang medalyang ginto sa women's 4?100 freestyle relay.

Napasakamay ni Guo Wenjun ang medalyang ginto sa women's 10m air pistol.

Sa katatapos na women's diving synchronized 3m springboard, napasakamay nina Guo Jingjing at Wuminxia ang medalyang ginto.

Sa paligsahan ng men's shooting trap, napasakamay ni Kostelecky David, manlalaro ng Czech, ang medalyang ginto.

Sa paligsahan ng women's weightlifting 53kg, napasakamay ni P. Jaroenrattanatarakoon, manlalarong Thai, ang medalyang ginto.

At sa katatapos na paligsahan ng women's Track cycling, natamo ni Nicole Cooke, manlalarong Britaniko, ang medalyang ginto.

Sa paligsahan ng archery ng Beijing Olympic Games ngayong araw, napasakamay ng Timog Korea ang medalyang ginto sa 224 points, natamo naman ng Tsina ang medalyang pilak sa 215 points.

Sa paligsahan ng Final Women's Judo Half-Lightwt 52kg na idinaos ngayong araw sa Beijing, natamo ng manlalarong Tsino na si Xian Dongmei ang medalyang ginto.

Sa final ng Men's Judo 66kg, natalo ni Uchishiba Masato, manlalarong Hapones, ang kaniyang kalaban na si Darbelet Benjamin ng Pransya na naging kampeon ng paligsahang ito.

Sa katatapos na paligsahan ng Men's Weightlifting 56kg ng Beijing Olympic Games na idinaos ngayong araw, naging kampeon ang manlalarong Tsino na si Long Qingquan.

Sa paligsahan ng Men's Epee, natalo ni Tagliariol Matteo, manlalaro ng Italya, ang kaniyang kalaban na si Jeannet Fabrice ng Pransya na naging kampeon ng paligsahang ito.

Salin: Vera