• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-08-11 19:27:46    
Pangulong Tsino, nakipagtagpo sa ilang lider na dayuhan

CRI

Sa magkakahiwalay na okasyon, nakipagtagpo dito sa Beijing ngayong araw si pangulong Hu Jintao ng Tsina sa mga lider na dayuhan na pumarito sa Beijing para dumalo sa seremonya ng pagbubukas ng Beijing Olympic Games.

Sina Valdis Zatlers at Hu Jintao

Sa pakikipagtagpo kay Valdis Zatlers, pangulo ng Latvia, ipinahayag ni Hu na nakahanda ang panig Tsino na palakasin ang pagpapalagayan at pagtutulungan nila ng Latvia. Ipinahayag naman ni Zatlers na nakahanda ang kanyang bansa na ibayo pang palakasin ang pagtutulungan at pagpapalitan nila ng Tsina sa kabuhayan, kalakalan, edukasyon, kultura at iba pa.

Sina  Demetris Chiristofias at Hu Jintao

Sa pakikipagtagpo naman kay Demetris Chiristofias, pangulo ng Cyprus, ipinahayag ni Hu na nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng Cyprus, para mapalakas ang kanilang pagpapalagayan, pagtutulungan at pagkokoordinahan. Umaasa naman si Christofias na patuloy na palalakasin ng dalawang bansa ang kooperasyon sa kabuhaya't kalakalan

 Salin: Sissi