Sinabi dito sa Beijing ngayong araw ni Gou Lijun, direktor ng lupong tagapamalaha ng Binhai New Area ng Tianjin, na ang proyekto ng ecological city ng Tsina't Singapore sa Binhai New Area ay pumasok na sa yugto ng pagsasagawa.
Noong Nobyembre ng 2007, lumagda ang mga pamahalaan ng Tsina't Singapore sa kasunduan hinggil sa pagtatatag ng ecological city sa naturang purok. Ayon sa plano, ang lunsod na ito na halos 30 kilometro kuwadrado ang saklaw ay matatapos ang konstruksyon sa loob ng 10 hanggang 15 taon.
Salin: Vera
|