• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-08-13 22:27:03    
17 medalyang ginto, pinaglabanan sa ika-5 araw ng Beijing Olympics

CRI
Ngayong araw ay ika-5 araw ng Beijing Olympic Games at 17 medalyang ginto ang pinaglabanan.

Nakakuha na ang Tsina ng 4 na medalyang ginto. Ang mga ito ay koponang Tsino sa gymnastics artistic women's team, sina Wang Feng at Qin Kai sa men's 3m synchronised springboard diving, si Chen Ying sa women's 25m pistol shooting at si Liu Chunhong sa weightlifting women's 69kg. Napasakamay naman ng mga manlalarong Tsino ang 2 medalyang pilak sa wrestling Greco-Roman men's 74kg at weightlifting men's 77kg at 1 medalyang tanso sa women's 200m freestyle swimming.

Napasakamay ni Benjamin Philip Kleibrink ng Alemanya ang medalyang ginto sa fencing men's individual foil at napasakamay din ng isa pang manlalarong Aleman na si Britta Heidemann sa women's individual epee.

Natamo ng Timog Korea ang medalyang ginto sa weightlifting men's 77kg.

Napasakamay ng Georgia at Pransya ang tig-isang medalyang ginto sa wrestling Greco-Roman event.

Nakakuha ang Georgia at Hapon ng tig-isang medalyang ginto sa judo event.

Napasakamay ni Kristin Armstrong ng E.U. ang medalyang ginto sa women's road cycling time trial at napasakamay ni Fabian Cancellara ng Switzerland ang medalyang ginto sa men's road cycling time trial.

Sa mga paligsahan ng swimming event, napasakamay ni Rice Stephanie ng Australia ang medalyang ginto sa women's 200m individual medley, napasakamay ni Michael Phelps ng E.U. ang medalyang ginto sa men's 200m butterfly, napasakamay ni Pellegrini Federica ng Italya ang medalyang ginto sa women's 200m freestyle at napasakamay naman ng koponang Amerikano ang medalyang ginto sa men's 4×200m freestyle relay.