• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-08-15 16:57:55    
Hu Jintao, nakipagtagpo sa pangulo ng Singapore

CRI

Nakipagtagpo ngayong araw sa Beijing si Pangulong Hu Jintao kay S.R. Nathan, Pangulo ng Singapore na nanonood sa paligsahan ng Beijing Olympic Games.

Winelkam ni Pangulong Hu ang panonood ni Nathan sa Olimpiyada, pinasalamatan niya ang pagkatig ng Singapore sa Beijing Olympic Games at bumati sa mga manlalaro ng Singapore na matatamo ang mabuting resulta sa paligsahan. Ipinahayag naman ni Nathan na maganda ang seremonya ng pagbubukas ng Beijing Olympic Games, maayos na tumatakbo ang mga paligsahan at masayang nagpapalitan ang mga kaibigan mula sa iba't ibang bansa ng daigdig. Ipinakikita nito ang diwang "One World, One Dream"at ang ideya ng Tsina sa pagtatatag ng may-harmonyang daigdig.

Ipinahayag din ni Hu na nakahanda ang panig Tsino na magsikap, kasama ng Singapore, para mapasulong ang walang humpay na pag-unlad ng kanilang relasyon.

Salin: Andrea