Ipinatalastas ngayong araw ng International Olympic Committee o IOC na naganap ang dalawa pang napatunayang positibo sa doping test sa Beijing Olympic Games at sila ay KIM Jong Su, manlalaro ng Hilagang Korea sa Shooting at Do Thi Ngan, manlalaro ng Biyetnam sa gymnastics.
Ipinatalastas sa preskon ni Giselle Davis, tagapagsalita ng IOC, na kinansela ang kuwalipikasyon ng dalawang manlalaro at pinatalsik sila sa IOC.
Sinabi ni Davis na lumahok noong ika-8 at ika-12 ng buwang ito si KIM Jong Su sa Men's Shooting 10m Air Pistol Final at Men's 50m Pistol at natamo ang medalyang ginto at pilak. Babawiin ang kanyang medalya.
Salin: Andrea
|