Napag-alaman kamakailan ng mamamahayag mula sa adwana ng Nanning ng Rehiyong Awtonomo ng Guangxi sa timog kanlurang Tsina na noong unang hati ng taong ito, mahigit 1 bilyong Dolyares ang halaga ng maliit na kalakalan sa purok-hanggahan ng Guangxi at ASEAN at ang proporsiyon nito sa kabuuang halaga ng kalakalan ng dalawang panig ay umabot sa 47%.
Kabilang dito, 400 milyong dolyares ang halaga ng pag-aangkat at 500 milyon naman ang halaga ng pagluluwas.
Ang naturang halaga ng kalakalan ay lumaki ng mahigit 90% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon.
Salin:Sarah
|