• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-08-20 17:50:57    
Ika-12 araw ng Beijing Olympic Games, 5 medalyang ginto na

CRI
Pumasok ngayong araw sa ika-12 araw ang Beijing Olympic Games at 11 medalyang ginto ang paglalabanan. Hanggang sa kasalukuyan, pinaglabanan na ang 5 medalyang ginto.

Sa swimming women's marathon 10km, napasakamay ni Larisa Ilchenko, manlalarong Ruso, ang medalyang ginto.

Sa sailing RS:X women, nakakuha ang manlalarong Tsino na si Yin Jian ng medalyang ginto.

Sa sailing RS:X men ng Beijing Olympic Games na idinaos ngayong araw, nakakuha si Tom Ashley ng New Zealand ng medalyang ginto.

Napasakamay ngayong araw ng pares na Ruso na sina Anastasia Davydova at Anastasia Ermakova ang medalyang ginto sa synchronized swimming duet free routine ng Beijing Olympic Games.

Nakakuha ngayong araw ng medalyang ginto si Ramazan Sahin, manlalaro ng Turkey, sa wrestling men's freestyle 66 kg ng Beijing Olympic Games.

salin:wle