• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-08-20 19:52:55    
IOC: positibo ang mga tao ng buong daigdig sa Beijing Olympics

CRI
Sinabi ngayong araw sa Beijing ni Giselle Davies, tagapagsalita ng International Olympic Committee o IOC, na ayon sa resulta ng isang public poll na isinagawa ng IOC sa buong daigdig, malawakang ipinalalagay ng mga tao na lubos na matagumpay ang Beijing Olympic Games.

Sinabi rin ni Davies na ang resultang ito ay pinatutunayan din ng mga iba pang poll. Halimbawa anya, ipinakikita ng poll ng Associated Press na ipinalalagay ng karamihan sa mga interviewee na tama ang pagpili ng Tsina para idaos ang Olimpiyada.

Nang araw ring iyon, sinabi ni Timo Lumme, managing director ng Television and Marketing Services ng IOC, na ang pagkokober sa Beijing Olympic Games sa mahigit 200 bansa at rehiyon ng daigdig ay pinakamalaki sa saklaw sa kasaysayan ng Olimpiyada.

Salin: Liu Kai