• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-08-20 21:57:39    
NPC, nakahandang palawakin ang pagpapalita't pagtutulungan nila ng AIPA

CRI

Sa kanyang paglahok sa ika-29 na pulong ng ASEAN Inter-Parliamentary Assemly o AIPA na binuksan ngayong araw sa Singapore, sinabi ni Zha Peixin, pangalawang direktor ng lupon sa suliraning panlabas ng Pambansang Kongresong Bayan o NPC ng Tsina, na pinananatili ng NPC, AIPA at parliamento ng mga bansang Asean ang mahigpit na pag-uugnayan at mapangkaibigang pagpapalagayan, bagay na nagpapatingkad ng mahalagang papel para sa pagpapalakas ng pagkakaibigang pangkapitbansaan at kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan. Umaasa anya siyang patuloy na mapapalawak ang pagpapalita't pagtutulungan upang maisakatuparan ang win-win situation.

Sinabi ni Zha na kumakatig ang Tsina, tulad ng dati, sa integrasyon ng Asean at pagtatatag ng Asean Community, at sa pagpapatingkad ng Asean ng namumunong papel sa kooperasyon ng Silangang Asya.

Ipinahayag pa niyang noong isang taon, natamo ng kooperasyon ng Tsina't Asean ang bagong progreso, mainam ang tunguhin ng pagpapalagayan sa iba't ibang antas at walang humpay na lumalakas ang estratehikong partnership. Anya, dapat ibayo pang palakasin ng Tsina't mga bansang Asean ang pagkakaisa at kooperasyon, komprehensibong ipatupad ang plano ng aksyon ng magkasanib na pahayag hinggil sa estratihikong partnership ng dalawang panig at buong sikap na bawasan ang di-paborableng elementong dulot ng pagbagal ng pag-unlad ng kabuhayang pandaigdig.

Salin: Vera